Friday, July 16, 2010

Earphone in MRT


Sige po. Ituloy lang natin yang bisyo na yan...

Kay sarap pala talaga pag ang buhay ay kasing payapa lang ng tugtuging umaalingawngaw sa mga pandinig natin sa pamamagitan ng earphone na nakasukbit sa ating balikat habang nakakabit sa cellphone, ipod, o PSP natin.

Kay sarap lang talikdan ang gulong pumapaimbulog sa mundong ginagalawan natin: Walang stress, walang hirap, walang gulo at higit sa lahat, pawang wala namang problema pala.

Ang yaman mo kid! Isipin mo, may sarili kang mundo?!

Why would I not choose running away from my life through this music infested mobile phone when, the truth is, it lessens my chances of acquiring stress related sickness that can kill me? I have no doubt that this habit of listening to anything musical would definitely make me forget how stupid I am of accepting to be slave to the world I am living in: family problems, love-related pains, work induced stress, etc.

Ako ay masaya. Dahil kahit mabingi man ako sa lakas ng dagundong ng baho sa musikang pinangtapal ko sa butas ng tenga ko, kampante pa din and puso ko na ito lang ang maaaring makasakit sa sandaling 'to. Sana nga lang di mag-lowbatt ang pinanggagalingan ng tugtugin - o kaya'y maubos ang collection ng musika ko.

Pag nagkaganun, sasakit na naman ulo ko. Pano kasi, kelangan ko na naman bumalik sa realidad.

Hay buhay...